Sunday, 3 February 2013
Good Vibes.
Dear Diary,
Sobrang saya ko today. I don't really know why. It could be happy hormones (if you know what I mean (; HAHAHA okay TMI sorry). Or it could be because I got to talk to a lot of people today. Like legit talk. The LIFE101 kind. Yung hindi lang puro catch up at kababawan. Yung may depth. Sobrang tumatanda na talaga tayo, Diary. May fear of aging ako pero nakakatuwa rin maggrow.
Alam mo diary, sa lahat ng nakausap ko today (at lately), sobrang mas na-appreciate ko ang pagiging single ko. Wow, sobrang changed woman na ako. A few months ago pag usapang single sobrang mabbitter ako. Pero now, I've accepted it. Yun naman isang key sa lahat eh--ACCEPTANCE. Na-accept ko na na single ako at baka matagal pa bago ako maging taken ulit. Oo, inaamin ko pag nakakakita ako ng cute couples naiinggit pa rin ako minsan, pero sobrang hindi na ako kasing bitter ng dati (about being single). Pero side kwento, I think forever akong mabbitter every time babanggitin 'ex' ko. Super sensitive topic eh. In this case, avoidance is the key. But anyway, that's not what this entry is about. Itong entry na 'to about sa happiness ko today. Sobrang wild. Nag-ipon-ipon lahat ng masasayang bagay na nangyayari sakin lately. THANK YOU PO, GOD. DA BEST KA TALAGA! ♥ Sobrang saya maging masaya, okay? (":
Pero alam mo, Diary, natatakot ako. Kasi lagi namang dapat may balance. At dahil dyan, usually kapag masaya ako isang araw, sobrang shitty ng day ko kinabukasan. Well, lahat naman tayo ganun eh. Pero ayun nga, feeling ko sobrang shitty ng araw ko bukas. Ayoko sana maging negative kaya i-eenjoy ko na lang ang happiness ko while it still lasts. Ganun naman dapat sa lahat ng bagay diba? YOLO nga, ika nila.
You know what pa, Diary? I've never been the best confidante/advice giver. Kaya sobrang natutuwa rin ako na people still come to me for advice. Siguro dahil din I'm a super good listener. And that I don't judge. Natatawa nga ako sa sarili ko kasi sobrang nagiging Dr. Love ako lately. Akala mo kung sinong expert sa love eh noh. Sobrang hindi ko nga forte yun eh. Pero since ayun nga, marami na rin akong na-encounter na maraming experience (may it good or bad) sa love, kaya siguro marami akong alam. Pero pag hindi ko talaga alam sasabihin sa tao, ang go to words of wisdom ko ay "If it's meant to be, it will be." Dahil kahit saang bagay applicable yan. Hindi nga lang specific. And it requires a lot of tiwala. Minsan hindi sya okay lalo na para sa mga control freaks. Tulad kanina may naencounter ako na control freak, sinabi ko yan, tapos hindi sya contented. So sabi ko na lang sa kanya bigyan nya ng benefit of the doubt. Anyway, ayoko na maging specific. Baka bored ka na, Diary, eh. Pero basta, Diary, I feel so free. Ang saya talaga ng feeling na sarili mo lang iniisip mo. Na wala kang ibang feelings na dapat i-consider kundi yung sayo lang. Na walang ibang masasaktan kapag may mali/hindi maganda kang nagawa.
Masaya rin pala ako kasi parang lately, kahit sobrang unlucky ko, or sobrang hirap ng mga bagay, nassurvive ko sila. Kaya in a way, lucky na rin ako. And other people have it worse. Basta right now/lately, I feel invincible. I've never felt like this before. Siguro kasi dami ko pang insecurities noon. Ngayon, I feel more confident. And lagi ko na lang iniisip na hindi ako bibigyan ni God ng ganitong klaseng challenge kung hindi ko kayang lampasan. (:
Marami pa akong gusto sabihin, Diary. Pero next time na lang. Gusto ko lang talaga i-share 'tong happiness ko now kasi natatakot ako na baka makalimutan kong kaya ko palang maging ganito kasaya. Para balang araw din, may balikan akong memory na nakasulat somewhere na mag-GV ako pagnabasa ko. Sana marami pa akong mga araw na ganito, Diary. Sana lahat ng tao may mga araw din na ganito at ma-realize nila na LIFE IS GOOD. :)
Mula sa isang taong kasalukuyang overflowing sa GV,
Muhkayluh. ♥
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment